Renal Insufficiency
Tinatanggal ng iyong mga bato ang mga lason at ekstrang tubig mula sa katawan. Kapg hindi nagagampanan ng mga bato ang tungkulin nito, naiipon ang lason sa iyong dugo. Ang unang yugto ng prosesong ito ay tinatawag na paghihikahos ng bato (renal insufficiency). Kapag lumala ang paghihikahos ng bato, maaari kang magkaroon ng pangmatagalang pagpalya ng bato (chronic renal failure). Pinapahintulutan nito na maipon ang ekstrang tubig, dumi at mga nakakalasong materyal sa iyong katawan. Maaari itong maging banta ng panganib sa iyong buhay. Maaaring kailanganin mo ng dialysis o magpalit ng bato (kidney transplant). Ang pinakamalubhang anyo ng paghihikahos ng bato ay ang huling yugto ng sakit sa bato.
Diyabetis ang pangunahing sanhi ng paghihikahos ng bato. Kabilang sa ibang mga sanhi ang:
-
Altapresyon
-
Paninigas ng mga malalaking ugat (arteries)
-
Lupus
-
Pamamaga ng mga daluyan ng dugo (vasculitis)
-
Impeksyong dulot ng virus o baktirya
Ang ilang over-the-counter (OTC) na gamot para sa pananakit ay maaaring magdulot ng pagpalya ng bato kung ginagamit na ng matagal na panahon. Kabilang sa mga ito ang aspirin, ibuprofen, naproxen, at iba pang nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs).
Pangangalaga sa Tahanan
Sundin ang mga sumusunod na payo kapag pinapangalagaan ang sarili sa tahanan:
-
Kung ikaw ay may diyabetis, makipagusap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan ukol sa pagkontrol ng iyong sugar sa dugo. Tanungin kung kailangan mong gumawa ng mga pagbabago sa iyong diyeta, pamumuhay o mga gamot.
-
Kung ikaw ay may mataas na presyon ng dugo:
-
Inumin ang mga iniresetang gamot para sa iyo. Ang iyong layunin ay pababain ang presyur sa iyong dugo ng mas mababa sa 130/80 o ayon sa inirekumenda ng iyong tagapangalaga.
-
Magsimula ng isang regular na programa ng pageehersisyo na iyong ikinasisiya. Tiyakin sa tagapangalaga ng iyong kalusugan upang makasiguro na ang iyong planong programa ng ehersisyo ay tama para sa iyo.
-
Bawasan ang dami ng asin (sodium) na iyong kinokonsumo. Sasabihin sa iyo ng tagapangalaga ng iyong kalusugan kung gaanong asin ang ligtas para sa iyo sa bawat araw.
-
Kung ikaw ay labis sa timbang, makipagusap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan ukol sa plano ng pagbabawas ng timbang.
-
Kung ikaw ay naninigarilyo, itigil na ito. Pinapalala ng paninigarilyo ang sakit sa bato. Makipagusap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan ukol sa mga pamamaraan na makakatulong sa iyong paghinto. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang:
-
Makipagusap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan tungkol sa mga anumang dapat ipagbawal sa iyong diyeta. Sa pangkalahatan, kailangan mong limitahan ang dami ng protina, asin, potassium at phosphorus. Huwag uminom ng sobrang likido. Huwag maglagay ng asin sa mesa at umiwas sa mga maaalat na pagkain. Maaaring kailanganin mo ng sumplenentong calcium upang makatulong sa pagiwas sa osteoporosis.
-
Makipagusap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan ukol sa anumang gamot na iyong iniinom, upang malaman kung kailangan bang bawasan o ihinto ang mga ito.
-
Huwag gumamit ng mga sumusunod na gamot na OTC, o tanungin muna sa tagapangalaga ng iyong kalusugan bago gamitin ang mga ito:
-
Aspirin, ibuprofen, naproxen, at iba pang NSAIDs. Maaari mong gamitin ang mga ito ng saglit upang makatulong sa lagnat at pananakit.
-
Mga pampadumi (laxatives) at antacids na may magnesium o aluminum
-
Phospho soda enemas na may phosphorus
-
Ang ilang gamot na pumipigil sa asido sa sikmura (stomach acid-blocking) katulad ng cimetidine o ranitidine
-
Decongestants na may pseudoephedrine
-
Mga herbal na suplemento
Follow-up na pangangalaga
Magfollow-up sa tagapangalaga ng iyong kalusugan o ayon sa ipinayo. Makipagugnayan sa isa sa mga sumusunod para sa karagdagang impormasyon:
-
Asosasyon ng Amerika para sa mga Pasyenteng may Sakit sa Bato (American Association of Kidney Patients) www.aakp.org
-
Pambansang Saligan para sa Bato (National Kidney Foundation) www.kidney.org
-
Pondo ng Amerika para sa Bato (American Kidney Fund) www.kidneyfund.org
-
Pambansang Programa ng Edukasyon ukol sa Sakit sa Bato (National Kidney Disease Education Program) www.nkdep.nih.gov
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung alinman sa mga sumusunod ang mangyari:
-
Matinding panghihina, pagkahilo, kawalang-malay, antok, o pagkatuliro
-
Pananakit ng dibdib o kakapusan sa paghinga
-
Puso na tumitibok ng mabilis, mabagal o iregular
Kailan dapat humingi ng medikal napagpapayo
Tumawag sa tagapangalaga ng iyong kalusugan agad kung ang alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Pagduduwal o pagsusuka
-
Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinag-uutos ng tagapangalaga ng iyong kalusugan
-
Hindi inaasahang pagdagdag ng timbang o pamamaga ng mga binti, alak-alakan o sa paligid ng mga mata
-
Hindi ka umiihi ng karaniwan sa normal o hindi ka makaihi