Talamak na Viral Pharyngitis (Pamamaga ng Lalamunan)

Ikaw o ang iyong anak ay mayroong pamamaga ng lalamunan (pharyngitis). Ang impeksyong ito ay dulot ng isang mikrobyo (virus). Maaari itong magdulot ng pananakit ng lalamunan na lumalala kapag lumulunok, pagkirot, pananakit ng ulo at lagnat. Ang impeksyon ay maaaring maikalat sa pamamagitan ng pag-ubo, pakikipaghalikan o paghawak sa iba matapos hawakan ang iyong bibig o ilong. Hindi tumatalab ang mga antibayotikong gamot laban sa mga virus. Hindi ginagamit ang mga iyon para lunasan ang karamdamang ito.
Pangangalaga sa tahanan
-
Kung malubha ang mga sintomas, mangyaring magpahinga sa bahay. Bumalik sa trabaho o paaralan kapag mabuti na ang iyong pakiramdam.
-
Ikaw o ang iyong anak ay dapat na uminom ng madaming likido upang maiwasan ang dehydration.
-
Maaaring gumamit ng lozenges na panlalamunan ang mga adulto at mga batang 5 taong gulang at mas matanda o mga pampamanhid na spray sa lalamunan upang makatulong na mabawasan ang pananakit. Ang pagmumog ng maligamgam na tubig ay makatutulong din na mabawasan ang pananakit ng lalamunan. Tunawin ang 1/2 kutsarita ng asin sa 1 baso ng maligamgam na tubig. Maaaring sumipsip ng juice o popsicle ang mga bata. Ang mga batang 5 taong gulang o mas matanda ay makakasipsip ng lollipop o matigas na kendi. (Ang matigas na candy at lozenges ay maaaring maging panganib na mabulunan ang mga batang wala pang 5 taong gulang.)
-
Huwag kumain ng maaalat at maaanghang na pagkain o huwag bigyan nito ang iyong anak. Maaari nitong ma-irritate ang lalamunan.
Mga gamot para sa bata:Maaari mong bigyan ang iyong anak ng acetaminophen para sa lagnat, pagka-irita o kawalang-ginhawa. Sa mga sanggol na mahigit 6 na buwan ang edad, maaari mong gamitin ang ibuprofen o acetaminophen. Kung ang iyong anak ay may pangmatagalang sakit sa atay o kidney o nagkaroon ng ulser sa sikmura o pagdurugo ng sikmura o bituka, makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak bago ibigay ang mga gamot na ito. Hindi dapat gamitin ang aspirin ng sinumang bata na wala pa sa edad 18 na may lagnat. Maaari itong maging sanhi ng malalang pinsala sa atay at pagkamatay. Huwag bigyan ang iyong anak ng anumang iba pang gamot nang hindi muna nagtatanong ang tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak.
Mga gamot para sa adulto:Maaari kang gumamit ng acetaminophen, naproxen, o ibuprofen upang makontrol ang pananakit o lagnat, maliban kung may iniresetang ibang gamot para dito. Kung mayroon kang hindi gumagaling na sakit sa bato o nagkaroon ng ulcer sa sikmura o pagdurugo ng sikmura at bituka, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow-up sa isang tagapangalaga ng kalusugan, o ayon sa ipinayo, kung ikaw o ang iyong anak ay hindi bumubuti ang pakiramdam sa loob ng susunod na linggo.
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinayo ng tagapangalaga (tignan ang "Lagnat at mga bata" sa ibaba)
-
Bago o lumalalang pananakit ng tainga, pananakit ng sinus o pananakit ng ulo
-
Masakit na bukol sa likod na bahagi ng leeg
-
Paninigas ng leeg
-
Ang mga kulani o lymph nodes ay lumalaki
-
Hindi maibuka ang bibig dahil sa pananakit ng lalamunan
-
Bagong pantal
-
Ang iba mga sintomas ay lumalala
Tumawag sa 911
Tumawag kaagad sa 911 kung mangyari ang alinman sa mga ito:
-
Hirap o maingay na paghinga
-
Mahinang boses
-
Hindi makalunok ng mga likido, maraming paglalaway, o anumang iba pang sintomas na maaaring magpalala ng pamamaga sa lalamunan
-
Mga palatandaan ng dehydration tulad ng napakaitim na ihi o hindi umiihi, mga nakalubog na mata, pagkahilo
Lagnat at mga bata
Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:
-
Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.
-
Noo (temporal). Gumagana ito sa mga batang nasa edad 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Tainga (tympanic). Tumpak ang temperatura sa tainga pagkatapos ng edad na 6 na buwan, ngunit hindi bago ang edad na ito.
-
Kili-kili (axillary). Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong anak hanggang siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.
Gamitin ang thermometer sa puwit nang maingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.
Online Medical Reviewer:
Ashutosh Kacker MD
Online Medical Reviewer:
Jessica Gotwals RN BSN MPH
Online Medical Reviewer:
Marianne Fraser MSN RN
Date Last Reviewed:
7/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.