Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Febrile Seizure

Ang febrile seizure ay isang uri ng seizure na nangyayari sa isang bata na may lagnat na higit sa 101°F. Ang mga seizure na ito ay karaniwang nakakaapekto sa mga batang may edad na 3 buwan hanggang 6 taong gulang. Ngunit minsan ay maaaring makaapekto ang mga ito sa mga bata na 1 buwan gulang. Ang seizure ay nagdudulot ng:

  • Pagtigas ng mga kalamnan ng bata

  • Ang mga braso at binti ng bata ay nanginginig

  • Ang bata ay hindi sumasagot

  • Tumitirik ang mga mata

Maaaring inaantok at nalilito ang iyong anak nang hanggang 30 minuto pagkatapos. Ang seizure ay madalas na nagsisimula habang nagsisimula ang lagnat. Maaaring ito ang unang senyales na may sakit ang bata. Tinatayang 1 sa 3 bata na nagkaroon ng febrile seizure ay maaaring magkaroon ng isa pa. Ang mga febrile seizure ay bihirang nagdudulot ng anumang pangmatagalang problema. Karaniwang humihinto ang mga ito sa edad na 6.

Ang febrile seizure ay nangyayari kapag ang isang bata ay nilalagnat mula sa isang karamdaman, tulad ng impeksyon sa tainga o isang viral na sakit. Ang seizure ay sintomas ng lagnat. Gayunpaman, kung minsan, ang mga impeksyon sa utak o spinal fluid ay maaaring magdulot ng mga lagnat. Sa mga kasong ito, ang seizure ay tanda ng isang mas malubhang impeksiyon. Dahil dito, kapag may lagnat at seizure ang isang bata, mahalagang magpatingin sa provider ng pangangalagang pangkalusugan para malaman nila ang sanhi ng lagnat at matiyak na walang malubhang impeksyon.

Pangangalaga sa bahay

Sundin ang mga tip na ito kapag inaalagaan ang anak mo sa bahay:

  • Tingnan kung ano ang ikinikilos at nararamdaman ng iyong anak. Kung sila ay aktibo at alerto, at kumakain at umiinom, hindi mo na kailangang magpainom ng gamot sa lagnat. Hindi pinipigilan ng gamot sa lagnat ang pagkakaroon ng febrile seizure.

  • Kung ang anak mo ay masyadong iritable at hindi komportable dahil sa lagnat, maaari kang magpainom ng acetaminophen, maliban kung ibang gamot ang inireseta.

  • Huwag magpainom ng ibuprofen sa mga batang wala pang 6 buwang gulang. Huwag magpainom ng aspirin (o gamot na naglalaman ng aspirin) sa isang batang wala pang 19 taong gulang maliban kung ipinag-utos ng provider ng pangangalagang pangkalusugan ng iyong anak. Ang pag-inom ng aspirin ay maaaring ilagay sa panganib ang anak mo sa Reye syndrome. Ito ay isang bihira ngunit napakalubhang sakit na maaaring magresulta sa pinsala sa atay o utak.

  • Kung ang isang antibiotic ay inireseta upang gamutin ang isang impeksyon, ibigay ito ayon sa itinuro hanggang sa matapos ito, kahit na ang anak mo ay bumuti na ang pakiramdam.

  • Hanggang sa lumaki ang anak mo at huminto sa pagkakaroon ng febrile seizure, mag-ingat na:

    • Huwag iwanan ang anak mo nang mag-isa sa isang bathtub. Kung sapat na ang edad ng anak mo, gumamit na lang ng shower.

    • Huwag hayaang lumangoy mag-isa ang anak mo.

    • Sundin ang iba pang mga hakbang na ibinigay sa iyo ng provider ng pangangalagang pangkalusugan ng anak mo.

  • Kung mangyari ang isang seizure, itagilid ang anak mo. Hahayaan nitong lumabas ang anumang laway o suka mula sa bibig at hindi sa baga. Protektahan ang anak mo mula sa pinsala. Huwag magpasok ng anumang bagay sa bibig ng iyong anak.

  • Karaniwang humihinto ang febrile seizure sa loob ng 1 hanggang 2 minuto. Kung ang iyong anak ay nagkakaroon ng seizure na tumatagal ng higit sa 5 minuto, tumawag sa 911 .

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa provider ng pangangalagang pangkalusugan ng iyong anak, o gaya ng ipinapayo. Tawagan kaagad ang provider ng anak mo kung ang iyong anak ay may isa pang febrile seizure.

Kailan dapat kumuha ng medikal na payo

Tawagan ang provider ng pangangalagang pangkalusugan ng iyong anak o kumuha kaagad ng pangangalagang medikal kung mangyari ang alinman sa mga sumusunod:

  • Hindi gumagaling ang lagnat sa loob ng 3 araw pagkatapos bigyan ng gamot sa lagnat

  • Lagnat na tumatagal ng higit sa 5 araw

  • Abnormal na pagkairita, antok, o pagkalito

  • Matigas o masakit na leeg

  • Pananakit ng ulo na lumalala

  • Mga pantal o lilang batik

Online Medical Reviewer: Esther Adler
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 9/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer