Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Medial Branch Neurotomy

Maaaring dahil sa mga problema sa ilang nerbiyong malapit sa iyong gulugod ang pananakit sa likod o leeg. Kung ganoon, makatutulong ang medial branch neurotomy na mapaginhawa ang iyong pananakit. Sinisira ng neurotomy ang nerbiyo upang paginhawahin ang pananakit o ihinto ang mga hindi sinasadyang paggalaw. Sa ilang kaso, maaari kang bigyan ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ng nerve block upang makita kung paano tutugon ang iyong katawan sa neurotomy. Gumagamit ang paggamot ng init, lamig, radiofrequency, o mga kemikal upang sirain ang mga nerbiyong malapit sa problemang kasukasuan. Pinipigilan nito ang ilang mensahe ng pananakit na maglakbay patungo sa iyong utak, at tumutulong na mapaginhawa ang iyong mga sintomas.

Medial branch nerves

Bawat vertebra sa iyong gulugod ay may mga facet (patag na mga ibabaw). Sumasayad ang mga ito kung saan nagkakasya ang mga vertebra. Bumubuo ito ng facet joint. Bawat facet joint ay mayroong hindi bababa sa 2 medial branch nerves. Ang mga ito ay bahagi ng daanan ng nerbiyo patungo at mula sa bawat facet joint. Maaaring mamaga (namamaga at may iritasyon) ang facet joint sa iyong likod o leeg. Maaaring maglakbay ang mga mensahe ng pananakit sa daanan ng nerbiyo mula sa facet joint papunta sa iyong utak.

Three-quarter view ng tatlong vertebra at mga disk na ipinakikita ang gulugod, spinal nerves at medial branch nerves.

Pagharang sa mga mensahe ng pananakit

Naghahatid at nagdadala ng mga mensahe ang mga medial branch nerve sa bawat facet joint tungkol sa pananakit sa likod o leeg. Napipigil ng pagsira sa ilan sa mga nerbiyong ito ang ilang mensahe ng pananakit na makarating sa iyong utak. Makatutulong ito sa iyo na guminhawa. Karaniwang tumatagal ang ginhawang ito nang ilang buwan o taon.

Mga panganib at komplikasyon

Bihira ang mga panganib at komplikasyon ngunit maaaring kasama ang:

  • Impeksiyon

  • Nadagdagang pananakit, pamamanhid, o panghihina

  • Pagkasira ng nerbiyo

  • Pagdurugo

  • Kabiguang mapaginhawa ang pananakit

Online Medical Reviewer: Jimmy Moe MD
Online Medical Reviewer: Ronald Karlin MD
Online Medical Reviewer: Tara Novick
Date Last Reviewed: 12/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer